katatapos mo lang maligo. tinutuyo mo ang buhok mong hindi sumusunod sa galaw mo sa harap ng salamin. ulo mo lang ang tinitingan mo dahil ayaw mong makita ang katawan mong gawa sa gelatin.
pumasok ka sa kwarto para magbihis. para kang hanger sa suot mong bagong labang t-shirt na sinuot mo nuong isang gabi dahil peborit mo to.
nanood ka ng sports unlimited pero na-insecure ka lang kay marc nelson dahil ang kinakain nyang pandesal sa umaga ay bumubukol sa tiyan nya. ikaw, gardenia o teysti ang kinain mo.
naisip mo, panahon na para mag-gym.
perstaym mo ba? naku... eto ang mga tips para maka-survive ka kahit 30 minutes lang sa loob ng torture chamber:
-kung mag-eenroll ka, tingnan mo muna kung kapani-paniwala ang mga instructors. kung maganda ang katawan nila, malamang they're doing it right at malamang din alam nila ang kanilang ginagawa. parang barberya lang yan e. halimbawa, dalwa ang barbero: yung isa ok ang gupit, yung isa naman parang rugby ang ginagamit na shampoo. syempre pipiliin mo dapat yung pangit ang gupit. malamang silang dalwa mismo ang naggugupit sa isat isa. go figure. nalito ka? ako den. basta yun.
-magdala ka ng sarili mong tubig. dahil pagpapawisan ka, kailangan mong i-replenish ang nawalang fluids sa katawan mo. mas makakatipid kung magdadala ng lang kesa bumili dun sa gym. kung mapera ka, bumili ng extra joss. wag iwanan sa tabi-tabi ang bote/jug/thermos. kukunin yan ng walang pambili ng tubig.
-trapo. walang taong hindi nagpapawis. hindi ka manok. pag hihiga ka sa mga benches, natural pagtayo mo, aagos ang likidong maalat mula sa balat mo at mag-iislide sa bench na parang batang perstaym makakita ng playground. punasan mo naman. isa pa: wag gamitin ang trapo sa sariling balat. may twalya/bimpo naman.
-be friendly. mahirap magbuhat ng mabigat pag walang aalalay sayo. ikaw ren, pag bumagsak sa leeg mo yung barbell habang nagbe-benchpress ka, walang tumulong sayo. pero wag maging masyadong friendly. mahirap mag-exercise pag may katabi kang madaldal.
-flex. kahit muscle lang sa mukha ang ma-develop sayo dahil sa pagkunot ng noo at pagbanat ng mga ugat sa mukha dahil sa hindi mabuhat ang weights na pinipilit mong kinakaya. at least motivated ka kahit papano at matutuwa ka pag nakitang mong nagkakaron na ng cuts ang muscles mo kahit alam mong mukha lang syang malaki dahil madaya ang salamin sa gym.
-wear the proper gear. hindi advisable na magsuot ng amerkana habang nagwo-workout. bumili din ng workout gloves para mas mahawakan mong mabuti ang bars at para na rin hindi magka-kalyo ang kamay. ikaw din, baka masugat si junior.
-wag mahiyang magtanong. baka pag sinabi sayo ng instructor na mag-squats ka e bigla kang mag-ala-ROTC at itaas ang yong kamay sabay bend ng tuhod at di gumalaw for 30 minutes. lahat sila dumaan sa pagiging aanga-anga tulad mo. walang ipinanganak na may muscle ang umbilical cord.
-mind your own business. baka ma-distract ka sa mga nag-e-aerobics at mapanganga sa mga babaeng taas-baas ang paa. iwasang tumingin lalo na pag nakahiga sila at parang nakikipag love-making sa hangin. ikaw ren, baka mahirapan kang tumayo.
teka teka teka... sino ba ko para sabihin ang lahat ng ito. eh kaka-enroll ko pa lang. mabuti pa wag mo na lang intindihin to at manood ka na lang kay tina juan sa tv. a-wan en a-tu en a-tri...
Sunday, July 4, 2010
ABOUT THE AWTOR by Aris Avila
BABALA: Sa mga mambabasa ng comments sa profile ni Blitz...Ang inyong mga mababasa ay naisulat sa tatlong lingguwahe at hango sa mga katotohanang naganap sa tunay na buhay ni ARMAN V. DAVID mula noong 1986 hanggang 1990....Ang patnubay ng magugulang ay kailangan...

(Blogger's Note: Our First Year HS Pic. That's me, 5th from the left, while Aris, 4th from the right. Aris and I shared the passion in music and we were both tenors in Glee. Not the Series. The Club. ;-p)
Si Arman po o mas kilala sa pangalang Blitz ngayon, ay isang butihing mag-aaral sa isang paralan sa Tarlac.Ako naman po ay isa sa mga naging mapalad na kamag-aral ni Arman. Tatlong bagay lang ang masasabi ko tungkol sa kanya ngunit, ang mga katagang ito ay siyang bumubuo sa kanyang katauhan, mula noon, at sa aking palagay, ay magpasahanggang ngayon. Marami sana pero dalawa lang ang nasusulat sa ingles at filipino. Kung marunong kayo ng kapampangan, malalaman ninyo ang mga hiwaga na bumabalot sa likod ng pangatlong kataga, na naglalaman ng kanyang sikreto. Ang lahat ng iyan ay nakassad sa ilalim ng kasulatang ito...tama na ang tatlo, dahil kung ating iisa-isahin ay baka maubusan tayo ng space dito...
Una: Matalino, pangalawa: Pinuno at pangatlo: Mang-aawit....do you wanna know why???
Here it is….
MATALINO: He was one of the best in our class back then and I think, is still one of the best till now...he was so good then and as a matter of fact, when we were on our second year in high school, he made one of our teachers walked out on us on our math class. That was just by simply giving a SMART(A_S) comment to a question that everyone in the class refused to answer. Do you wanna know what the question was? Ang katanungan na iyon ay sariwang-sariwa pa rin sa aking ala-ala, dahil iyon ang naging tulay ng aming makulay na pakikipag-sapalaran nung high school. Ang tanong: "What is the numerical and literal coefficient of the expression 2X?" And the smart comment of Arman was: "MA"AM BAKA KAYA NIYO TINATANONG DAHIL DI NIYO ALAM"...at meron pang pahabol( Pabulong)..."ALAM NA NAMIN YAN, ANG DALI DALI KAYA NG TANONG, KAYA NGA WALANG GUSTONG SUMAGOT EH"...nun ding mga oras na iyon, ang aming silid aralan ay nilisan ng aming luhaang guro na di makapaniwala sa mga katagang binitiwan ni Arman. At dito na nga nagsimula ang lahat….
PINUNO: He was also a leader...Everybody in the school at that time knows that the teachers tagged our class with names like "the most unruly class in the school"( Which later evolved into unbelievable and outrageous comments such as "mga matatalino nga sana, pero wild naman, mga walanghiya, mga walang katulad, mga latang walang laman... at ang paborito ng lahat…mga scene stealers…ATBP....etc..etc.). Bago ang mga pangyayaring naganap sa loob ng aming math class ay, hindi kami tumatalo ng teacher, mga estudyante lang.... but from that day...binigyan niya kami ng lakas ng loob at tibay ng dibdib na lumaban at huwag magpa-api sa aming mga guro...we followed his example by carrying the legacy throughout our high school days. We took his example seriously and straight into our hearts. Some of us even had the thought of not needing our teachers and therefore we do not have to go to class anymore...yes… siya ang nagpa-uso ng MASS ESCAPING sa aming klase...
Ah! Those were the days when the most influential student in our school invaded our minds... Mga bata pa kami noon, pero ng ma-realize namin na na-implwensiyahan niya kami, it was already too late...kaya tuloy na-regaluhan ako ng Bible ng adviser namin nung 4th year. Of course, dahil kaibigan ko si Arman at ako ay tapat sa kanyang simulain, hindi di ko na sinabi na itinutuloy lang namin ang kanyang nasimulan. Baka kasi malaglag siya honor competition at bumagsak sa horror role...kaya sa madaling salita ay inako ko na lang lahat at ipinamahagi ko naman ang iba sa aming ibang kamag-aral.
MANGAAWIT:Aruuuu, biyasa ya pung magkanta yan. masanting ya swala. ta neng ing masakit, masyado ng kikimkiman king sarili na ing galing na. Menakit na kang magkanta ya agyang yang dili...lalu na istung mainip ne. pisara-sara no pa kanita reng mata na istung miras ne king bandang matas ne ing tonu na ning kanta na...nanamnaman neng mayap. Wapin pala Blitz, atsu ya pa ba itang notebook mung ating message a makasulat tungkol king nanu ing dapat mung gawan istung ikang dili? I bet you still remember what's on there. Just curious...magkanta ka pa bang ikang dili istung bored ka? If ever you still do. Pipikit mo pa ba deng mata mo...ita bang bala mu talagang feel na feel me ing kakanta mo? LOL....uling manyampukaki ing lugud mi kaya, potang titipa ne ketang kanto da, pag-kanta miyapa..’tipa neing…..tipa neing…tipa neing….” Ironically, it’s the same song that we sing for the teacher who walked out from our class because of him.…but I doubt if he knows, kasi mumuna yang titipa king mestra mi…

(Blogger's Note: That is me and Aris during his homecoming in October 2009. We were singing The Dawn's "Salamat" and "Iisang Bangka." Our youth anthems. Sige pen, ninu ngeni ing pisara sara deng mata?)
Lumipas ang panahon at hindi na namin siya muling nasilayan. Naglaho siya na parang bula at ngayon naman ay, bigla siyang lumitaw na parang kabute…sana naman, sa pagkakataong ito, siya ay manatili at hindi na muling lumisan, at nang sa gayon ay madali siyang matunton kung kinakailangan…may palagay ako na kapag nabasa ito ng aming mga dating kamag-aral ng mga panahong iyon ay, maglalabasan ng isa-isa ang mga pinakatatagong lihim ni Arman….Kaya Blitz, ang payo namin sa iyo ay, kung nasan ka man ngayon….diyan ka na lang…LOL…but keep in touch though…
BABALA: Ang inyong mga nabasa ay base sa mga katotohanang naganap sa buhay ni ARMAN V.DAVID na mas kilala sa pangalang Blitz sa ating magulong panahon ngayon. Ang mga pangyayaring naisaad ay naganap sa isang paaralan sa Tarlac ngunit/subalit ang pangalan nito ay sadyang itinago at hindi binanggit upang hindi na pamarisan ng mga kasalukuyang nag-aaral sa paaralang iyon. Ang patnubay ng magugulang ay kailangan…

Subscribe to:
Posts (Atom)